Mayorya sa Kamara dismayado sa pangakong napako
Kabilang sa mga sinibak ay sina 2nd District Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte na sinundan din ng pagkakasibak bilang Deputy Speaker kina Batangas Rep. Raneo Abu, Capiz Rep. Fredenil Castro, Laguna Rep. Dan Fernandez at tinanggal rin si Kabayan Rep. Ron Salo biang kinatawan ng Kamara sa Electoral Tribunal.
The STAR/Boy Santos, File

Mayorya sa Kamara dismayado sa pangakong napako

Joy Cantos (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y patuloy na sibakan sa mahahalagang posisyon sa Kamara ay nahahati umano ngayon ang mayorya ng mga mambabatas  na dismayado sa mga hindi natupad na mga pangako ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Ayon sa isang kongresista na tumangging magpabanggit ng pangalan, hindi nagustuhan ng ‘silent majority’ ang ginawang pagsibak ni Velasco sa mga Deputy Speakers at Committee Chairman na taliwas sa pangako nito ng maluklok sa puwesto.

Kabilang sa mga sinibak ay sina 2nd District Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte na sinundan din ng pagkakasibak bilang Deputy Speaker kina Batangas Rep. Raneo Abu, Capiz Rep. Fredenil Castro, Laguna Rep. Dan Fernandez  at tinanggal rin si Kabayan Rep. Ron Salo biang kinatawan ng Kamara sa Electoral Tribunal.

Sinabi ni political analyst Mon Casiple, talagang magkaroon ng ‘silent majority’ sa liderato ni Velasco dahilan sa dami ng napangakunan nito pero hindi naman napagbigyan habang inaasahan naman na madadagdagan pa ang masisibak sa puwesto.

Ang pinakahuling tinamaan sa rigodon ay si Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado na pinalitan ni Diwa Partylist Rep. Michael Aglipay, bayaw ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar, bilang Chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na nagsasagawa ng imbestigasyon sa mahalagang mga isyu sa bansa tulad ng anomalya sa PhilHealth, iregularidad sa pamamahagi ng Social Amelioration Program at ang ABS-CBN franchise renewal.

KAMARA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with