2 todas sa salpukan ng 3 motorsiklo
Dead on the spot si Joseph Gonzales, 25, binata ng Barangay Montecillo, habang hindi na umabot ng buhay sa ospital si Mico Paulo Javier, 16 ng nasabi ring barangay.
STAR/File

2 todas sa salpukan ng 3 motorsiklo

Tony Sandoval (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawa ang nasawi habang limang iba pa ang malubhang nasu­gatan nang magsalpukan ang tatlong motorsiklo sa barangay road, Barangay Lutucan Malabag, Sa­riaya, Quezon kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Joseph Gonzales, 25, binata ng Barangay Montecillo, habang hindi na umabot ng buhay sa ospital si Mico Paulo Javier, 16 ng nasabi ring barangay.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:00 ng gabi ay minamaneho ni Gonzales ang isang Yamaha Mio at angkas si Mark Bryan Espiritu patungo sa isang burger kiosk.

Pagsapit sa kurba­da ay sumalpok sila sa XRM motorcycle na minamaneho ni Javier at angkas ang 16-anyos na si Joshua Villegas at kapwa sumemplang.

Mabilis naman ang pagdating ng motorsiklo ni Mark Anthony Tolentino at angkas sina Edzel Mayuga at Cris Mark Formalejo kaya’t bumangga rin ito sa mga sumemplang.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with