Sugatang sundalo, patay sa pagbagsak ng helicopter
Base sa paunang ulat mula sa AFP–Western Mindanao Command, nagpalipad ng UHH1 helicopter para sa evacuation ang isang sundalong nasugatan sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa Barangay Lilitun.
The STAR/Boy Santos, file

Sugatang sundalo, patay sa pagbagsak ng helicopter

Doris Franche (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na nadala pa sa ospital ang isang sundalo na nasugatan sa pagsabog ng bomba matapos bumagsak ang sinasakyan nitong Huey helicopter ng Philippine Air Force sa Madalum, Lanao del Sur, kamakalawa ng hapon.

Base sa paunang ulat mula sa AFP–Western Mindanao Command, nagpalipad ng UHH1 helicopter para sa evacuation ang isang sundalong nasugatan sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa Barangay Lilitun.

Ngunit makalipas ang ilang minuto nang lumipad ang helicopter sakay ang sugatang sundalo ay bumagsak ito.

Nabatid na 350 metro lang ang distansiya ng crash site sa lugar kung saan naganap ang pagsabog ng IED.

Nasaktan naman ang ilan pang sakay ng helicopter, kasama na ang piloto at flight nurse.

AFP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with