Xmas party at caroling bawal sa Metro Manila
Ito ang ipinahayag ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez nang magkaisa ang Metro mayors na suspendihin o pigilin ang pagsasagawa ng tradisyunal na Christmas party sa mga pampublikong tanggapan gayundin ang paghimok sa pribadong sektor.
The STAR/Edd Gumban, file

Xmas party at caroling bawal sa Metro Manila

Ludy Bermudo (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) ay nagkaisa ang Metro Manila mayors na ipagbawal ang pagdaraos ng mga Christmas party at caroling.

Ito ang ipinahayag ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez nang magkaisa ang Metro mayors na suspendihin o pigilin ang pagsasagawa ng tradisyunal na Christmas party sa mga pampublikong tanggapan gayundin ang paghimok sa pribadong sektor.

Dahil hindi pinapayagan ang pagtitipun-tipon o selebrasyon hihigit sa sampung indibidwal ang dadalo habang nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

“No-caroling policy” din ang paiiralin sa Metro Manila  at upang mabantayan ito ay bubuo ng mga task force na tututok sa pagmo-monitor laban sa magtatangka ng pisikal na caroling.

Hihingin din nila ang tulong ng mga opisyal ng barangay na magbantay upang hindi makapagsagawa ng karoling sa kani-kanilang lugar.

Ang rekomendasyon ng MMC na ipagba­wal ang caroling ay na­aprubahan na ng Inter-Agency Task Force.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with