Esperon: Makabayan solons may koneksiyon sa CPP-NPA

Angie dela Cruz (Pang-masa) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “May koneksiyon ang Makabayan solons sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).”

Ito ang iginiit ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., kaugnay ng red-tagging isyu at nagharap ng ilang testigo na nagpapatunay na sila ay na-recruit na maging aktibista at kalaunan ay nagkaroon ng mataas na posisyon sa CPP.

Base sa pahayag ng mga testigo, malinaw na aktibo ang Makabayan sa paghihikayat ng mga kabataan para maging miyembro ng NPA.

“You cannot deny responsibility for the recruitment of our youth by the NPA. It is your front organizations that eradicate these young minds in their early years in the League of Filipino students (LFS) and Kabataan party-list,” dagdag ni Esperon.

Sinabi ni Esperon na siyang vice chairman ng National Task Force to End Local Commu­nist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na hindi maaaring  mag­hugas-kamay ang Ma­ka­bayan dahil maliwanag sa mga ebidensiya na tumutulong sila para pa­lakasin ang puwersa ng NPA.

Pinabulaanan din  ni Esperon ang red-tagging ng NTF-ELCAC at nilinaw nito na nagsasabi lang sila ng katotohanan hinggil sa koneksiyon ng Makabayan at ng CPP-NPA.

Pinaalalahanan din ni Esperon ang Makabayan na bilang halal ng bayan ay dapat proteksiyunan nila ang kapakanan at kalayaan ng taongba­yan at hindi ng rebeldeng grupo.

Kinastigo naman ni Interior Secretary Edu­ardo Año ang Makaba­yan bloc dahil sa pagbu­bulag-bulagan at kawalang aksiyon sa libong atrocities na kinasasangkutan ng komunistang grupong CPP-NPA.

Anya, ang pagtanggi at pag-iwas ng kanilang mga sarili mula sa krimen na ginagawa ng  CPP-NPA-NDF ay malinaw na isang paglapastangan sa tiwala ng mamamayan.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with