Senado dismayado sa dagdag-bawas na ginawa ng Kamara sa 2021 budget
Tinawag ni Sen. Panfilo Lacson na “improper” at halata ang pagpabor ni Velasco sa kanyang mga supporters habang kitang-kita rin ang paglaglag nito sa mga kongresista na kakampi ni dating House Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Senado dismayado sa dagdag-bawas na ginawa ng Kamara sa 2021 budget

Joy Cantos (Pang-masa) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinadismaya ni Senador Panfilo­ Lacson ang naging hakbang na “dag­­dag-bawas” ni House Speaker Lord Allan Velasco sa pondo ng mga kaal­yado at kritikong kongresista na halata sa ipinasa ng Kamara na 2021 national budget.

Tinawag ni Sen. Panfilo Lacson na “improper” at halata ang pagpabor ni Velasco sa kanyang mga supporters habang kitang-kita rin ang paglaglag nito sa mga kongresista na kakampi ni dating House Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Hindi na inisa-isa ni Lacson ang mga binawasan ng budget maliban kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na siyang may pinakamalaking kaltas habang ang ilan na nakatamasa ng malaking budget increase ay ang Benguet, Albay at Abra, pero hindi naman nabawasan ang budget ni Cayetano sa kanyang distrito.

Sinabi ni Lacson na mali ang gina­wang dagdag-bawas sa pondo dahil lalong naging malaki ang disparity o agwat ng naging hatian ng pondo sa pagitan ng mga kongresista halimbawa na ang P15.351bilyon sa isang distrito kumpara sa P620 milyon sa ilan.

Una na rin kinumpirma ni Cayetano ang naging rebelasyon ni Lacson, aniya, P300 milyon hanggang P1 bilyon ang naging kapalit ng pagsuporta ng mga kongresista kay Velasco, ito umano ang dahilan kung bakit nagmamadali sa turnover ng Speakership noong Oktubre.

Itinanggi ni ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap, chairman ng House Com­mittee on Appropriations ang alegas­yon ni Lacson na ang mga kaalyado ni Velasco ang nakakuha ng “last minute” increase sa alokasyon sa General Appropriations Bill (GAB) gayunpaman nanindigan si Lacson na malinaw ang listahan mula P396-B ay biglang lumobo sa P474-B ang infrastructure budget ng mga mambabatas na nakapaloob sa DPWH 2021 budget.

Isa si Yap sa nadoble ang alokasyon mula P4-B ay naging P8-B, si Yap ang itinalagang carektaker ng Benguet nang pumanaw si Benguet Rep. Nestor Fong­wan Jr.

BUDGET
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with