Metro Manila ilalagay sa MGCQ pagkatapos ng kapaskuhan
“At the same time, nag-usap-usap po kami ng mga mayor, talagang very cautious po sila na magkaroon po ng MGCQ dito sa Manila. So ang recommendation po nila ay just in case magkaroon man ng easing of restriction ay maybe next year after the holidays,” ani Galvez.
The STAR/Edd Gumban, file

Metro Manila ilalagay sa MGCQ pagkatapos ng kapaskuhan

Malou Escudero (Pang-masa) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng ilagay na sa MGCQ ang Metro Ma­nila pagkatapos ng Kapas­kuhan.

Ito ang sinabi ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Anya, ayaw ng mga mayors sa Metro Manila na luwagan ang community quarantine ngayong Christmas season upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.

“At the same time, nag-usap-usap po kami ng mga mayor, talagang very cautious po sila na magkaroon po ng MGCQ dito sa Manila. So ang recommendation po nila ay just in case magkaroon man ng easing of restriction ay maybe next year after the holidays,” ani Galvez.

Sinabi pa ni Galvez na maging si Mayor Sara Duterte ay nais manatili sa general community qua­rantine (GCQ) ang Davao City ngayong Disyembre.

Nanawagan din si Galvez kay Interior Sec. Eduardo Año na ipaalala sa mga opisyal ng mga local government units (LGUs) na nasa ilalim ng MGCQ na dapat higpitan ng kaunti ang galaw ng mga tao kung kinakailangan.

Mahalaga aniyang sundin pa rin ang tinatawag na minimum health standards ngayong holiday season.

MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with