House probe sa Cagayan at Isabela massive flooding, malamya

Joy Cantos (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil nakatuon lamang sa ginawang pagpapakawala ng tubig ng mga dams kaya’t naganap ang malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela ang ginagawang im­bestigasyon ng Kamara ay tiyak na walang mapapanagot ang nagiging takbo ng ginagawang imbestigasyon.

Ito ang tinuran ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) President Danilo Ramos batay sa pahayag ay ginawa ni House Speaker Lord Allan Velasco na climate change at ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ang siyang sanhi ng massive flood sa Cagayan at Isabela kaya naman ang rerebyuhin ng Kamara ay ang dam protocols upang hindi na maulit ang mapinsalang baha gaya ng dinulot ng bagyong Ulysses.

Anya, ang mahalagang dapat na imbestigahan ng Kamara ay ang logging sa mga bundok ng Cagayan at Isabela at ang mapanirang mining na siyang sanhi ng pagbaha.

Nagpapasalamat ang grupo sa pag-iimbestiga ng Kamara, subalit  nakalulungkot na hindi naman nito kayang banggain ang mga malalaking contractor at malalaking tao na nasa likod ng illegal mining at logging.

Pinabulaanan ni National Irrigation Administration (NIA) head Ricardo Visaya, aniya, hindi ang pagbubukas ng gates ng Magat Dam ang ugat ng matinding pagbaha kundi ang malawakang illegal logging, mining at quarrying activities sa lugar.

Minaliit din ng KMP ang naging pahayag nina Isabela Governor Rodito Albano at Vice Gov. Faustino Dy III na wala nang mining operations at illegal logging sa lalawigan dahil mismong mga residente ang makapagpapatunay na talamak pa din ang ganitong illegal na aktibidad.

FLOODS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with