Suppliers ng shabu lumilipat na sa marijuana at ecstasy

Mer Layson (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Unti-unti nang lumilipat ang supplier ng shabu sa marijuana at ecstasy.

Ito ang ibinunyag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva dahil sa pagpapalit ng demand ng drug users at traders ay bunsod na rin nang pinaigting na kampanya ng mga otoridad sa pagsawata ng mga ilegal na droga.

Ayon kay Villanueva, ang mga dating nagsa-shabu ay bu­mabalik na sa marijuana kaya’t higit pa aniya nilang hinigpitan ang pagtutok sa pagpuksa sa naturang mga ipinagbabawal na gamot. Sa isang survey na inilabas kamakailan ng Dangerous Drugs Board (DDB), nabatid na ang marijuana ay ikalawa sa shabu, pagdating sa public awareness hinggil sa mga ipinagbabawal na gamot.

“‘Yung mga dating nagsa shabu, bumabalik na sa marijuana. Having said that, doon na tayo sa Cordillera, nag-e-eradicate tayo ng marijuana,” pahayag pa ni Villanueva.

Batay sa datos ng PDEA, hanggang nitong Nobyembre ay may 14,000 barangay pa ang hindi pa naki-clear sa illegal drugs. Tiniyak naman ni Villanueva na bubunuin talaga nila ito lalo na at nauubusan na aniya sila ng panahon.

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with