Mag-asawang lider ng NPA patay sa shootout
Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Agaton Topacio at Eugenia Martinez Magpantay, kapwa opisyal ng Central Luzon Regional Committee (CLRC) ng CPP-NPA.
File

Mag-asawang lider ng NPA patay sa shootout

Mer Layson (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang mag-asawa na umano ay lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), matapos na umanong manlaban habang isinisilbi ang warrant of arrest ng mga otoridad sa kanilang bahay sa Angono, Rizal kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Agaton Topacio at Eugenia Martinez Magpantay, kapwa opisyal ng Central Luzon Regional Committee (CLRC) ng CPP-NPA.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Rizal Police Provincial Office (PPO) Director, PCol. Joseph Arguelles, bago naganap ang shootout alas-3:30 ng madaling araw sa bahay ng mag-asawa sa 12 Kinglet St., Meralco Village, Brgy. Mababang Parang, Angono ay naglunsad ng Oplan Paglalansag ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 4, Rizal PPO at Angono police para isilbi ang warrant of arrest sa mga kasong murder at attempted homicide na inisyu ni Hon. Judge Miguel Asuncion ng Regional Trial Court (RTC)  Fourth Judicial Region, Antipolo City, Rizal noong Nobyembre 23, 2020.

Bago pa man makalapit sa bahay ng mag-asawa ang mga otoridad ay kaagad na umano silang pinagbabaril.

Kaya napilitang gumanti  ng putok ang mga otoridad at tinamaan ang mag-asawa na dinala sa Rizal Provincial Hospital System Angono Annex ngunit hindi na sila umabot ng buhay.

Sa rekord ng mga otoridad, nabatid na si Magpantay na may alyas na Reming at Milan ay dating secretary ng CLRC at Northern Luzon Commission ng CPP-NPA habang si Topacio naman ay pinuno umano ng national secretariat ng CPP-NPA.

NPA SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with