Private labs binalaan⦠DOH nagtakda ng price range sa COVID-19 swab test
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang presyo dapat ng COVID-19 testing sa public laboratories ay hindi tataas ng P3,800 kada test habang P4,500 hanggang P5,000 naman para sa pribadong laboratoryo.
The STAR/Michael Varcas, file

Private labs binalaan… DOH nagtakda ng price range sa COVID-19 swab test

Danilo Garcia (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagtakda na ng price cap ang pamahalaan para sa halaga ng RT-PCR (real-time reverse transcription polymerase chain reaction) tests na siyang ‘gold standard’ umano sa COVID-19 testing sa mga pribado at pampublikong laboratoryo.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang presyo dapat ng COVID-19 testing sa public laboratories ay hindi tataas ng P3,800 kada test habang P4,500 hanggang P5,000 naman para sa pribadong laboratoryo.

Ang price cap ay itinakda ng DOH at ng iba pang ahensya ng pamahalaan batay sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng mga reklamo na mayroong mga pribadong laboratoryo na umaabot ng hanggang P20,000 ang presyo ng COVID-19 test.

Suspensyon sa lisensya ang maipapataw sa una at ikalawang paglabag habang pagkansela naman ang aabutin sa ikatlong paglabag.

Anya, ito ang resulta ng ginawang pag-aaral sa umiiral na presyo ng RT-PCR tests sa merkado na iginiit niyang resonable na para sa mga pribadong ospital at laboratoryo.

Pinirmahan na kahapon ang naturang joint admi­nistrative order (JAO) at magiging epektibo sa oras na mailathala ito sa mga pahayagan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with