Pagbubukas ng Magat Dam gates âdi nagdulot ng malawakang baha sa Cagayan, Isabela â NIA
Sa pagdinig, iprinisinta ni Visaya ang matrix na nagpapakita ng peak water inflow ng Magat Dam mula November 9 hanggang 14 na nasa 7,128 cubic meters per second ngunit nagpa­ka­wala lamang ng 6,706 cubic meters per second.
The STAR/Michael Varcas, file

Pagbubukas ng Magat Dam gates ‘di nagdulot ng malawakang baha sa Cagayan, Isabela — NIA

Joy Cantos (Pang-masa) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Hindi naging mayor­yang dahilan ang pagbubukas ng gate ng Magat Dam sa pagbaha sa Caga­yan at Isabela.”

Ito ang pinanindigan­ ni National Irrigation Ad­mi­nistration chief Ricardo Visaya sa House joint panel­ probe sa malawa­kang pagbaha sa Cagayan Valley Region sa panana­lasa ng bagyong Ulysses.

Sa pagdinig, iprinisinta ni Visaya ang matrix na nagpapakita ng peak water inflow ng Magat Dam mula November 9 hanggang 14 na nasa 7,128 cubic meters per second ngunit nagpa­ka­wala lamang ng 6,706 cubic meters per second.

Siniguro rin ni Visaya na nauna na niyang sinabihan­ ang mga concerned office at maging mga indibidwal na posibleng maapektuhan nito.

“Six hours before release, activate the warning stations. As much as possible, hindi tayo magre-release ng tubig in any dam after 5 o’clock. Ang tina-target natin dito 3 o’clock. We are giving a lead time to all concerned including government of­fices, LGUs, radio stations, etcetera, six hours para makapag-react sila,” paliwanag pa nito.

“Redundant ang pag-i-inform natin dito. And it is followed by a black and white document. Lahat ng LGUs pumipirma nito. Kaya hindi nila masasabi na hindi sila nai-inform be­cause we have the documents.”

“During the typhoon, [there is] regulation of out­flow from the dam to mitigate damage to the downstream. Nire-regulate ‘yan. Hindi ibig sabihin na during­ that time, biglang nag-release. Mali ‘yun,” tugon pa ni Visaya. - Angie dela Cruz

MAGAT DAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with