2 bebot todas ,6 sugatan sa sunog
Binobombahan ng tubig ng mga bumbero ang mga bahay na nasunog sa Tramo St., Pasay City kahapon ng umaga na ikinasawi ng dalawang babae na ikinasugat ng anim na katao kabilang ang apat na bumbero.
KJ Rosales

2 bebot todas ,6 sugatan sa sunog

Ludy Bermudo (Pang-masa) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang babae ang iniulat na nasawi habang nasugatan ang anim na iba pa kabilang ang apat na fire volunteers sa naganap na sunog sa Tramo St., Barangay 43, Pasay City, kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Cindy Navarro, 29; at Lyn Ebona,39, na ang kanilang bangkay ay natagpuan sa gumuhong bahay matapos ang mopping operation.

Batay sa inisyal na ulat na ipinadala sa Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO), nagsimula ang apoy dakong alas-5:47 ng umaga sa inuukupahang ikalawang palapag ng 5-storey apartment ng isang Jockie Joan Libanan, sa No. 1734 Tramo St.

Umakyat sa 2nd alarm ang sunog at idineklarang fire-out alas-7:53 ng umaga na puminsala sa 8-10 kabahayan o  nasa 20-30 pamilya at nasa P300-libo ang halaga ng ari-ariang napinsala.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with