DOTr: Pagkakabit ng RFID tuloy kahit matapos ang Disyembre 1

Mer Layson (Pang-masa) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Communication Goddes Hope Libiran na hindi pa rin matatapos sa Disyembre 1 ang pagkakabit ng RFID sa mga sasakyang dumaraan sa expressways.

Ayon kay Libiran, ang pagkakabit ng RFID stickers ay magpapatuloy kahit matapos na ang Disyembre 1, kung kailan itinakda ng DOTr ang 100 porsiyentong implementasyon ng cashless transaction sa mga expressway.

Layunin aniya nitong mapagsilbihan ang mga first time toll users at mga bagong sasakyan na wala pang RFIDs.

Sinabi rin ni Libiran na maaari pa rin namang magpakabit ng RFID stickers sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng pagpapa-book online, walk-in sa mga installation sites o kaya naman ay sa designated lane bago pumasok sa toll gate.

Aniya pa, simula sa transition period na mula Disyembre 1 hanggang Enero 11, ay magiging 24/7 na ang kabitan ng RFID sa lahat ng mga toll lanes o mga booths malapit sa mga toll gates.

Nilinaw rin niya na walang mangyayaring hulihan sa mga naturang petsa para sa mga sasakyang walang RFID.

Matapos naman ang Enero 11, magtatalaga na lamang sila ng isa o dalawang lane kung saan maaaring magpakabit ng RFIDs.

Aniya pa, kailangang maglagay ang mga toll ­operator ng malalaking signages sa mga stickering lanes upang malaman ng mga motoristang wala pang RFID na doon sila dapat pumila.

Kung pipila aniya ang mga ito sa mga RFID only lanes ay maaari silang matiketan, lalo na kung sila ay magdudulot ng abala sa mga sasakyang nasa likuran nila.

Kung insufficient naman o kulang ang load ng mga motorista at dumaan sa expressway, ay papayagan silang makadaan  habang nasa transition period pa.

Ani Libiran, maaaring magpa-load sa mismong toll booth ang mga moto­rist at maaari rin naman silang palampasin, patabihin, at load-an ng tauhan ng toll operator gamit ang top-up loading device.

Nilinaw din naman ni Libiran na walang expiration ang load ng mga RFID.

RFID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with