Sinas imomonitor ang mga ‘obese’ na pulis

Doris Franche (Pang-masa) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Kung kinaya ko at the age of 55, I don’t think ‘yung mga younger sa akin, hindi nila kakayanin.”

Ito ang naging hamon ni Philippine National Police (PNP) chief Ge­neral Debold Sinas sa mga matatabang pulis upang manatiling epek­tibo sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.

Ayon kay Sinas, ­ibabalik na ang Body Mass Index (BMI) monitoring sa mga pulis upang ma­panatili ang kalusugan at maiwasan ang anumang sakit na humahantong sa kamatayan.

Istriktong ipapatupad ang BMI monitoring sa mga pulis na pangangasiwaan ng PNP Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) para matulu­ngan ang mga obese na pulis na maging fit.

Nabatid kay Sinas na sinuspinde ang BMI monitoring bago siya ma­ging hepe ng pambansang pulisya dahil sa banta ng COVID-19.

Paliwanag ni Sinas, sa loob ng siyam na buwan ay nabawasan ang kilos at galaw ng lahat dahil sa pandemic kung saan ipinagbawal ang pagpunta sa mga gym upang makapag-ehersisyo.

Ito rin aniya ang dahlia kaya nag-develop ang PNP ng 4-minute exercise ay upang maiwasang maging obese ang mga pulis.

DEBOLD SINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with