40 akusado sa Maguindanao massacre pinawalang sala

Danilo Garcia (Pang-masa) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa 48 na sinampahan ng kaso sa Department of Justice sa ikalawang wave ng reklamo sa Maguindanao massacre ay 8 lamang ang tuluyang nasampahan habang napawalang-sala ang 40.

Ayon kay Atty. Nena Santos, abogado ng mga biktima, tanging sina Datu Moning Ampatuan Asim; Datu Harris Ampatuan Macapendeng; Dali Kamendan a.k.a. Kumander Boy; Mautin Upam; Rene Upam; Datu Diego ‘Digo’ Mamalapat;Daud Kamendan a.k.a. Kumander Kuatro; at isang alyas “Biton” lamang ang nakitaan ng mga prosecutor na may probable cause upang masampahan ng kasong murder.

Naglabas  ng hinaing si Santos at pamilya sa DOJ dahil sa desisyong ibasura ang kaso sa 40 pang akusado na sa tingin niya ay dapat makasuhan dahil sa testimonya ng kanilang mga testigo.

Sa 33-pahinang re­solusyon, sinabi ng mga prosecutor na may sapat na ebidensya na nagpapakita na pito sa walong akusado ay dumalo sa mga pulong kung kailan plinano ang masaker at kasama rin sa oras na naganap ang pamamaslang sa mga biktima. 

Hindi naman kasama sa mga pulong si Biton ngunit kasama naman siya at mga tauhan sa pagharang sa convoy ng mga biktima.

Ang ilan naman sa mga akusado ay maaaring du­malo sa mga pulong ngunit hindi kasama sa aktuwal na pagpatay sa mga biktima.

May 11 taon na ang kontrobersyal na Maguindanao Massacre kung saan nasa 58 tao ang nasawi kabilang ang 32 mamamahayag.

Sa hatol na inilabas ni Judge Jocelyn Solis-Reyes noong Disyembre 2019, hinatulan ng guilty sa kasong multiple murder sina dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., dating ARMM governor Zaldy Ampatuan, Anwar Ampatuan Sr., Anwar “Ipi” Ampatuan Jr., Anwar Sajid “Ulo” Ampatuan, at ilang mga opisyal ng pulisya.

Kasalukuyang nakaapela ang mga kaso na inaasahang aakyat pa hanggang Korte Suprema habang higit sa 50 sa mga akusado ay kasalukuyang nagtatago sa batas.- Angie dela Cruz

MAGUINDANAO MASSACRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with