Wala pang COVID-19 vaccine sa Pinas

Danilo Garcia (Pang-masa) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Wala pang naaapruba­hang bakuna para sa COVID-19 sa Pilipinas dahil sa kailangan pa ring dumaan ang mga ito sa regulasyon ng Food and Drugs Authority (FDA).”

Ito ang naging paalala kahapon ni Department of Health (DOH) Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire at para maaprubahan ang anumang uri ng bakuna ay kailangan na dumaan muna ito sa clearance ng Vaccine Experts Panel (EVP), Ethics Board at ng FDA saka lamang mabibigyan ng karapatan para magbenta nito sa loob ng bansa na katulad rin ito ng ibang mga gamot na ibinebenta sa bansa ng mga internasyunal na pharmaceutical companies.

Ang paalalang ito ni Vergeire dahil sa ulat na nagpabakuna na sina Senador Panfilo Lacson at House Majority Leader Rep. Martin Romualdez laban sa COVID-19 dahilan para magbabala ang DOH sa mga manufacturers at distributors.

“Paalala po sa mga ma­nufacturers, suppliers, distributors, may batas laban sa pamimigay at pagbebenta ng kahit anong bagay o techno­logy, kasama na ang bakuna, na walang rehistro ng ating Food and Drug Administration (FDA), ” giit ni Vergeire.

Tumaas din ang pag-asa ng publiko sa bakuna makaraan ang magandang resulta ng bakuna ng mga international pharmaceutical companies kabilang ang Pfizer at BioNTech na nagsabi na nasa 95% ang pagiging epektibo ng kanilang produkto. Nasa 94.5% naman ang bakuna ng isa pang kumpan­ya na Mo­derna. Naiintindihan nila anya ang kasabikan ng publiko na makapagpabakuna dahil sa nais nang matapos ang sitwasyon sa pandemya ngunit dapat dumaan sa tamang regulasyon ng pamahalaan.

COVID-19 FDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with