^

Police Metro

Pulis opisyal todas sa Cavite ambush

Cristina Timbang - Pang-masa

Misis at anak sugatan…

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang police captain habang nasugatan ang kanyang misis at anak na babae nang sila ay pagbabarilin sa loob ng kanilang sasakyan ng mga suspek na lulan naman ng SUV sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa Imus City, Cavite.

Ang nasawi ay kinila­lang si  Police Captain ­Ariel Ilagan, 48, may-asawa at kasalukuyang nakadestino sa SPD. Habang nasugatan  at ginagamot sa isang ospital ang misis nitong si Mary Grace Ilagan, 48, empleyado ng Manila International Airport Autho­rity (MIAA) na nagtamo ng tama ng bala sa kanang kamay habang tinamaan sa kaliwang hita ang anak na si Audrey Gale Ilagan, 20, isang estudyante at pawang residente sa Kawit, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang pamamaril alas-6:00 ng umaga ay  minamaneho ng pulis ang kanyang Toyota Fortuner (AA05161) kasama ang misis at anak.

Pagsapit sa panulukan ng Lakersfield Subd., at Alapan Road, Brgy. Alapan 1-B ay sumulpot ang isang Toyota Innova sakay ang mga suspek at agad na niratrat ang mga biktima.

Nang masiguro ng mga suspek ang kanilang target na pulis ay tumakas na ang mga ito na kung saan ay hindi rehistrado ang sasak­yang ginamit.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa mo­tibo nang pagpatay sa pulis.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with