8 bakwet nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina at Quezon Cityâ¦
Kahapon ay kinumpirma ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na ang limang nagpositibo ay kasalukuyan nang nasa isolation at pinagkakalooban ng kaukulang atensiyon at lunas upang kaagad na makarekober mula sa virus.
The STAR/Boy Santos, file

8 bakwet nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina at Quezon City…

Mer Layson (Pang-masa) - November 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walong eva­cuees sa Ma­rikina City at Quezon City ang kumpirmadong tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kahapon ay kinumpirma ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na ang limang nagpositibo ay kasalukuyan nang nasa isolation at pinagkakalooban ng kaukulang atensiyon at lunas upang kaagad na makarekober mula sa virus.

Iniulat ng alkalde na may 12,000 bakwet ang isinailalim nila sa rapid antibody testing nitong nakaraang linggo at sa nasabing bilang ay 153 ang reactive o nakitaan ng impeksiyon ay agad na isinailalim sa RT-PCR tests upang makumpirma kung positibo ang mga ito sa COVID-19.

Natunton na rin at nasuri ang mga close contacts ng mga pasyente at pa­wang nagnegatibo naman ang mga ito sa COVID-19.

Sa Quezon City ay tatlong indibidwal na nasa evacuation center ang nagpositibo rin sa COVID-19.

Ito ang iniulat kahapon ni Mayor Joy Belmonte na sa 640 evacuees na isinalang sa swab test ay tatlo dito ang nagpositibo sa virus.

As of Novembre 20 ay nasa 364 pamilya pa na naapektuhan ng bagyong Ulysses ang nasa evacuation centers sa Districts 2, 3, at 4.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with