Senator ‘Bato’ Dela Rosa positibo sa COVID-19
Malou Escudero (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos na tamaan ng COVID-19 ang ilang senador, inihayag kahapon sa publiko ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na maging siya ay nagpositibo na rin sa virus.

Ginawa ni Dela Rosa ang pag-amin sa pamamagitan ng kanyang social media account kung saan hinikayat niya ang mga nakasalamuha nito na gawin ang kinakaila­ngan.

“I’m sorry to inform you that I tested positive for COVID-19 yesterday. To all who made contact with me, please do the appropriate protocols,” ani Dela Rosa sa kanyang post sa Facebook.

Bukod kay Dela Rosa, apat na kasama niya sa bahay ang nagpositibo rin sa virus kabilang ang kanyang anak na babae.

“May ubo lang ako. Four kami nagpositive. Me, my eldest daughter, driver and househelp,” ani Dela Rosa.

Matatandaan na unang tinamaan ng COVID-19 sina Senators Sonny Angara, Koko Pimentel, Juan Miguel Zubiri, at  Bong Revilla.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with