Lacson nagpabakuna na kontra COVID-19
(Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Senate President Vicente Sotto III na mayroon nang bakuna kontra COVID-19 matapos na unang magpabakuna si Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Ayon kay Sotto, bukod kay Lacson, nagpabakuna na rin si House Majority Leader Martin Romualdez.

“Merong mga ganoon, si Senator Lacson ang tapang, immunized na ’yun. Nagpa-injection na ’yun…nauna na ’yun (Lacson), matapang ’yun. Si Martin Romualdez (nagpabakuna na rin),” ani Sotto.

Sa pagkakaalam ni Sotto, mula sa Pfizer ang ginamit nina Lacson at Romualdez.

Pero nagbiro rin ang Senate president na titingnan muna niya ang epekto kay Lacson dahil baka isang araw na pumasok ito sa Senado na hindi na nakakakilala.

“Meron na pero ’yung iba kasi, matatapang na...ang biruan nga namin ni Senator Lacson sabi niya, partner, pa-immunize ka na. sabi ko titingnan muna kita. ‘Pag nakikilala mo pa ako…baka pagdating ng isang araw, pumasok siya, paglapit sa akin, ang sasabihin sa akin, who are you?” ani Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na pakiramdam umano ni Lacson ay naging 30 taong gulang siya matapos mabakunahan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with