Duterte sa APEC: Walang maiiwan na may COVID-19
Malou Escudero (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa unang virtual APEC (Assoiciation of South East Asian Nation) 2020 Lea­ders’ Meeting, nais matiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na lahat ng bansa ay makakaahon mula sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagtutulungan ng international community.

“We aim for a comprehensive recovery with no one left behind. This can only be done through deeper engagement with the international community, especially with close partners in the Pacific Rim region,” ani Duterte.

Sinabi rin ni Duterte na ang COVID-19 ang maituturing na “defining challenge” ng kasaluku­yang henerasyon.

Ayon pa sa Pangulo ang unang ipinatupad na solusyon ng gobyerno upang mailigtas ang mga buhay ay pahintuin ang ekonomiya.

“Our immediate res­ponse was to save lives, even if it meant bringing economic activities to a halt,” ani Duterte.

Hinikayat din ng Pa­ngulo ang APEC member countries na tiyakin na magkakaroon lahat ng access sa COVID-19 vaccine.

Ipinunto pa ng Pa­ngulo na dapat matalo ang virus dahil hindi na ligtas ang lahat. Upang magawa ito aniya, kaila­ngan na mas patatagin ang partnership ng mga bansa para mapakinabangan ng buong mundo ang bakuna.

APEC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with