
IATF inalis na ang rekisitos sa reserbang bahagi ng aircraft cabin
MANILA, Philippines — Inalis na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang requirement sa air carriers para sa reserbasyon ng isang bahagi ng aircraft cabin bilang isolation area para sa mga suspected o ill passengers on board habang naka-domestic flights.
Ang desisyon ng IATF ay base sa guidelines na ipinalabas batay sa available information sa panahon o oras, at sa mas maraming impormasyon na available ngayon sa kung paano makakahawa ang COVID-19 sa closed settings.
Gayundin, mas marami na ngayon ang napabuting health protocols mula boarding tungo sa pag-landing na gagamit ng High Efficiency Particulate Air (HEPA) filters.
Tinukoy rin ni Sec. Roque na ang mga domestic flights ay may short duration lamang na hindi lalagpas sa 1.5 oras.
Ayon naman sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pag-alis sa requirement ay hindi sumasalungat sa sWorld Health Organization at International Civil Aviation Organization guidelines at protocols.
Magpapalabas naman ang DOTr na kinakailangang amendatory guidelines.
- Latest