Davao City ibinalik sa GCQ
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang One Hospital Command Center ay itatatag sa lungsod para matiyak ang mahusay na referral system.
City Government of Davao
Davao City ibinalik sa GCQ
Malou Escudero (Pang-masa) - November 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bunsod nang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay ibinalik simula kahapon hanggang Nobyembre 30 sa general community quarantine (GCQ) ang Davao City.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang One Hospital Command Center ay itatatag sa lungsod para matiyak ang mahusay na referral system.

Ang mga pribadong ospital ay binigyan ng mandato na dagdagan ang kanilang ward bed occupancy ng 20% hanggang 30%.

“Further, efforts will be made to address the shortage of nurses in health facilities and to provide additional high-oxygen cannula, favipiravir (Avigan), remdesivir, medical equipment, among others,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Ang mga tinatawag na accommodation establishments ay tutulong din para magsilbing quarantine facilities para sa mga health workers at magsisilbing isolation ng mga pasyente na may COVID-19.

Ang mga tagapagpatupad naman ng batas ay inatasan na tumulong sa pagpapatupad ng granular lockdowns sa mga apektadong komunidad o cluster at kung kinakailangan ay mag-deploy ng personnel sa lungsod.

Itinalaga naman ng COVID-19 task force si Melquiades Feliciano, deputy chief Implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19 para sa mga lungsod, Bacolod at Cebu, na tumulong sa mga gagawing pagtugon.

Ang lungsod na dati ay nasa ilalim ng modified GCQ, ay nakapagtala ng 5,541 kaso ng COVID-19 kung saan ay 2,000 ang aktibo.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with