Kelot itinumba ng lasing na pulis
Ang nasawi ay kinila­lang si Joseph Marga, 32 binata, elevator installer, at nakatira sa JP Rizal Street, Brgy. 106 Tondo.Habang sugatan ang kasama nitong si Mark Lester Quiñones, 28, na nagtamo rin ng tama ng bala sa katawan.
File
Kelot itinumba ng lasing na pulis
Danilo Garcia (Pang-masa) - November 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang lalaki habang malubhang nasugatan ang isa pa nang pagbabarilin ng isang lasing na pulis na nakasalubong nila sa kalsada sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay kinila­lang si Joseph Marga, 32 binata, elevator installer, at nakatira sa JP Rizal Street, Brgy. 106 Tondo.Habang sugatan ang kasama nitong si Mark Lester Quiñones, 28, na nagtamo rin ng tama ng bala sa katawan.

Pinaghahanap ang tumakas na suspek na si Patrolman Alvin Santos, nakatalaga sa Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District (MPD).

Sa inisyal na ulat, dakong alas-2:45 ng mada­ling araw ay naglalakad sa may JP Rizal Street ang dalawang biktima kasama ang isa pang kaibigan na si Nelson Delos Santos nang makasalubong ang lasing na suspek.

Tinutukan umano sila ng baril ng suspek at sinabing aarestuhin at nakiusap si Marga sa suspek at sinabing nakatira rin lang sila sa naturang lugar. 

Pero, pinaputukan pa rin sila ng suspek kung saan napuruhan si Marga, sugatan si Quiñones habang masuwerteng hindi tinamaan si Delos Santos.

Tumakas ang suspek at naiwan ang kaniyang caliber 9mm na service firearm na may isang magazine at may lamang 12 bala. Dalawang cartridge rin ang narekober sa lugar ng krimen.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with