66% Pinoy gustong mabakunahan kontra COVID-19
Sa pag-aaral nitong 2019, 62 porsyento ng mga Pinoy ang hindi sang-ayon sa pagbebenta ng Dengvaxia sa bansa na karamihan sa resulta ay mula sa Mindanao na may 73 porsyento na sinundan ng Visayas na may 69 porsyento, Metro Manila na may 64 percent, at Ba­lance Luzon na may 61 porsyento.
AFP/Johannes Eisele, file
66% Pinoy gustong mabakunahan kontra COVID-19
Mer Layson (Pang-masa) - November 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS), 66 porsyento ng mga Pinoy ay nais mabakunahan kontra coronavirus disease (COVID-19) habang 31 porsyento ang ayaw mabakunahan.

Lumabas din sa survey na mas nais ng mga Pinoy ang bakuna kontra COVID-19 kaysa Dengvaxia.

Sa pag-aaral nitong 2019, 62 porsyento ng mga Pinoy ang hindi sang-ayon sa pagbebenta ng Dengvaxia sa bansa na karamihan sa resulta ay mula sa Mindanao na may 73 porsyento na sinundan ng Visayas na may 69 porsyento, Metro Manila na may 64 percent, at Ba­lance Luzon na may 61 porsyento.

Samantala, 71 porsi­yento naman ng mga lalaki ang handang mabakunahan, kumpara sa mga babae na nasa 60 porsiyento lamang ang pumayag na magpabakuna.

Sa mga sumagot sa survey, 70 porsyento na nais mabakunahan ay may edad na 25-34 taong gulang habang 68 porsyento ang may edad na 18-24 anyos; 65 porsyento ay 45-55 taong gulang; at 61 porsyento ang 35-44 taong gulang.

Naitala na 67 porsyento ang nais mabakunahan ang hindi nakapagtapos sa elementarya at high school habang 66 porsyentong nakapagtapos ng kolehiyo at 49 porsyento ang nakapagtapos ng elementarya.

Isinagawa ito sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interviews sa 1,249 Filipino nitong Setyembre 17 hanggang Setyembre 20.

Mayroon itong sampling error na ±3% sa national percentages, ±6% para sa Metro Manila, ±5% sa Balance Luzon, ±6% sa Visayas, at ±6% sa Mindanao. 

SWS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with