^

Lacson hinihingan ng paliwanag ang mga solons sa P620 milyong hanggang P15 bilyong infra budget

Gemma Garcia (Pang-masa) - November 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais malaman ni Senator Panfilo Lacson sa liderato ng Kamara ang inaprubahan nilang infrastructure projects sa mga congressional districts na nakapaloob sa P4.5 trillion national budget kung saan nasa P620-M hanggang P15 billion ang alokasyong nakita sa bawat mga  kongresista.

Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang P659 billion budget para sa DPWH ay sinabi ni Lacson na halos kabuuan ng pondo ay alokasyon sa mga distrito ng mga kongresista na lumalabas na parang barangay kagawad lamang ang mga senador kumpara sa insertions na ginawa ng Kamara.

Malinaw umano na may kumpas ng House Leadership ang pagha­handa sa budget at kung sinu-sino ang makakakuha ng may malalaking pondo kaya mali na ibaling ang sisi sa DPWH dahil malinaw na ang mga congressman ang gumawa ng listahan.

Ilan sa una nang tinukoy ni Lacson na may malaking infrastructure budget ay isang distrtito sa Davao na may P15.351-B budget; sa Albay ay P7.5-B, sa Benguet ay P7.9-B habang sa Abra ay P3.75-B.

Ang 2021 budget ay pinagtibay sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco, subalit tumanggi ito na magkomento sa mga rebelasyon ni Lacson.

Matatandaan na sa House Speakership row kamakailan ay ginawang isyu kay dating House Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ng mga kaalyado ni Velasco na hindi pantay-pantay na infrastructure allocation sa budget kung saan inakusahan ng mga ito ang una na may pinaboran.

PANFILO LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with