^

Black sand mining dahilan ng massive flood sa Cagayan at Isabela

Joy Cantos (Pang-masa) - November 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na ang umano’y talamak na black sand mining ang isa sa dahilan na “worst flood” sa Cagayan at Isabela sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

Bukod sa black sand mining ay talamak din ang illegal at legal logging sa lalawigan kaya hindi na nakapagtataka na ngayon nararanasan ang epekto nito.

Wala umanong dapat na sisihin sa paglubog ng Cagayan at Isabela kundi ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagbibigay permit sa ganitong operasyon na may pag-apruba din mula sa local na pamahalaan.

Ayon kay KMP President Danilo Ramos na matagal nang ipinanawagan ng mga mangingisda ang dredging sa Cagayan River, subalit hindi ito binibigyang pansin at ngayong nagkaroon na ng pagbaha saka nakita ang kahalagayan nito.

Inamin ni Ramos na bagama’t naghigpit sa black sand mining ay marami pa rin silang nakikitang mga Chinese vessel na nagsasagawa nito at ikinukubli ang illegal na operasyon sa dredging, ibinunyag pa nito na mismong mga kawani pa ng LGUs ang kanilang nakikitang nagbabantay sa mga Chinese vessel.

Sa mga nakalipas na taon ay nakapagsagawa na ang Kamara at Senado ng imbestigasyon ukol sa black sand mining sa Cagayan, subalit wala namang naparusahan dito, kaya naman apela ni Ramos sa liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco na isama sa kanilang ginagawang House Inquiry sa dahilan ng massive floo­ding na naranasan sa Bagyong Ulysses at kung hindi isasama ang illegal na mining at logging sa imbestigasyon ay mababalewala lamang.

KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with