^
Klase sa Marikina City maaaring magbalik sa 2021
Pansamantalang naglagay ng tulay na kawayan matapos wasakin ng bagyo ang Sto. Niño hanging bridge na matatagpuan sa Marikina River, Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal.
Boy Santos

Klase sa Marikina City maaaring magbalik sa 2021

Mer Layson (Pang-masa) - November 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng sa buwan na ng Enero 2021 magbukas ang klase sa Marikina City dahil magkakaroon din ng Christmas break.

Ito ang inihayag ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na una nang inanunsyo ang suspensyon ng klase hanggang December 16 o isang buwan.

Kasunod na rin ito ng matinding pinsalang hatid ng bagyong Ulysses sa lungsod na sa ngayon ay maraming bahay pa ang puno ng putik.

Sa ibang mga bahay ay aabot pa aniya sa hanggang tuhod ang putik na kailangang linisin.

Iniulat din ng alkal­de na mahigit sa 50,000 pamilya ang napilitang lumikas ng kani-kanilang tahanan matapos na malubog sa malalim na baha at malaunan ay putik, ang kanilang mga tahanan.

Ang mga kalsada ay hindi pa rin madaanan at wala pa ring suplay ng kuryente ang may 9,000 tahanan doon.

KLASE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with