^
Patay kay Ulysses nasa 53 na, 22 pa missing
Sa ipinalabas na report ng tanggapan ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas kabilang sa 53 nasawi ay tatlo sa National Capital Region, 17 sa Region 2 na karamihan ay sa pagbaha sa Cagayan, anim sa Region 3, 12 sa Calabarzon, anim sa Region V at 9 sa Cordillera kung saan mayorya rito ay dulot ng landslide. Nasa 52 naman ang nasugatan, dalawa mula sa Cordillera, siyam sa Region 3, 16 sa Calabarzon at 25 sa Bicol Region.
Video grab mula sa Facebook ng Philippine Coast Guard

Patay kay Ulysses nasa 53 na, 22 pa missing

Joy Cantos (Pang-masa) - November 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 53 katao ang naitalang nasawi, 52 ang nasugatan habang 22 pa ang nawawala sa pana­nalasa bagyong Ulysses.

Sa ipinalabas na report ng tanggapan ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas kabilang sa 53 nasawi ay tatlo sa National Capital Region,  17 sa Region 2 na karamihan ay sa pagbaha sa Cagayan, anim sa Region 3, 12 sa Calabarzon, anim sa Region V at 9 sa Cordillera kung saan mayorya rito ay dulot ng landslide. Nasa 52 naman ang nasugatan, dalawa mula sa Cordillera, siyam sa Region 3, 16 sa Calabarzon at 25 sa Bicol Region.

Sa 22 pa na nawawala, pito rito ay sa Cordillera, isa sa National Capital Region, dalawa sa Region 2, isa sa Region 3, tatlo sa CALABARZON at walo naman sa Region V.

Gayunman sa opisyal na talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 33 katao ang nasawi sa Ulysses kung saan dahilan sa tropical cyclone ay dumaranas ng matinding pagbaha ang Cagayan Valley Region.

Sinabi ni NDRRMC Spokesman Mark Timbal na karamihan sa mga nasawi ay mula sa Cagayan Valley.

BAGYONG ULYSSES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with