^

Police Metro

Sputnik V vaccine ng Russia, 92% epektibo

Danilo Garcia - Pang-masa
Sputnik V vaccine ng Russia, 92% epektibo
Ayon sa RDIF, nasa 16,000 ang nagpartisipa sa kanilang trials na binigyan ng shot ng bakuna na kung saan 20 sa mga kalahok ang nagkaroon ng COVID-19.
Handout / Russian Direct Investment Fund / AFP

MANILA, Philippines — Nasa 92 porsyentong epektibo umano ang dinedebelop na COVID-19 vaccine ng Russia na Sputnik V makaraan ang resulta ng kanilang inisyal na clinical trials.

“We are showing, based on the data, that we have a very effective vaccine, ayon kay Russian Direct Investment Fund (RDIF) head Kirill Dmitriev.

Una nang nagparehistro para sa ‘public use’ ang Russia sa kanilang bakuna bago pa man mag-umpisa ang kanilang ‘clinical trials’ para dito.

Ayon sa RDIF, nasa 16,000 ang nagpartisipa sa kanilang trials na binigyan ng shot ng bakuna na kung saan 20 sa mga kalahok ang nagkaroon ng COVID-19. 

Mas mababa ito kumpara sa 94 infections na naitala sa kanilang bakuna ng Pfizer at BioNTech na una nang nagsabi na nasa 90 porsyento na ang bisa ng kanilang bakuna.

Ipagpapatuloy ng Russia ang kanilang trials sa loob ng anim pang buwan at ilalathala ang resulta sa mga medical journal para masuri ng mga eksperto.

Samantala, ang US-based na Moderna Inc. naman ay nakatakdang maglabas ng datos ng kanilang trials ng bakuna sa katapusan nitong Nobyembre.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with