Parak, nobya tugis ng NCRPO sa pagpatay sa Cameroon national

Ludy Bermudo (Pang-masa) - November 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos na matukoy na mga nasa likod ng pamamaslang sa isang Came­roon national sa Pasay City, iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Debold Sinas ang manhunt operation laban sa isang pulis at nobya nito sa Pasay City.

Ang target sa manhunt ay kinilalang sina P/Corporal Leonel Abellera Layson, nakatalaga sa Muntinlupa City Police Sub-Station 6, at Kathrina Fernandez ng 14 Boston Street, Barangay Kaunlaran, Quezon City.

Nabatid na alas-11:28 ng gabi nang barilin ang dayuhang si Divine NJua Komfun alyas “James” sa harap ng isang convenience store sa Arnaiz Avenue, Roxas Boulevard Service Road sa Pasay City noong Oktubre 26. Alas-11:00 ng gabi base sa kuha CCTV ng isang Inn, dumating ang biktma at isang Pinay na sakay ng Mitsubishi Mirage na kulay gray at pumasok sila sa inokupahang silid ng dayuhan. Makalipas ang 20 minuto, lumabas ang biktima at naglakad sa Roxas Blvd. at nadaanan pa nito ang gunman na nakaupo sa bench sa harap ng restaurant. Dito sinundan ng suspek ang biktima at bago pa nakapasok sa store  ay  malapitan nang binaril ng gunman at mabilis na sumakay sa isang nakaparadang sasakyan  saka nag-U-turn pa sa pagtakas.

Sa masusing pagsisiyasat ng NCRPO, natukoy na inupahan ni Katrina ang sasakyang ginamit ng gunman, nakita rin sa call log ng biktima ang mga tawag nito at ang gray Mitsubishi Mirage ay inarkila lang din niya.

NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with