Sorsogon, bahagi ng Albay may kuryente na

Angie dela Cruz (Pang-masa) - November 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naibalik na ang kuryente sa ilang lugar sa Bicol Region partikular sa lalawigan ng Sorsogon at ilang bahagi ng Albay matapos ang paghagupit ng bagyong Rolly.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP),  napailawan na ang buong Sorsogon at ilang bahagi ng Albay nang gumana na ang Daraga-Bacman 230Kv Line na dinadaluyan ng kuryente para sa ilang bayan sa naturang lalawigan. 

Naayos din ang Daraga-Legaspi at Daraga-Sto. Domingo 69 Kv Line para suplayan ng kuryente ang bayan ng Sto. Domingo at Legaspi City habang nagkailaw na rin ang bayan ng Daraga patungong Sorsogon City,  at Sorsogon City patungong Balogo sa pamamagitan ng Sorsogon-Bulan 69Kv Line. 

Alas-10:25 ng umaga kahapon,  may kuryente na rin ang Naga City hanggang sa bayan ng Labo matapos maiayos ng mga linemen ang 230Kv Line 2 para sa Camarines Sur. 

Ayon sa NGCP, hanggang Disyembre pa maaaring maibalik ang 100 porsyento na suplay ng kuryente sa buong Bicol Region at Calabarzon dahil umabot sa mahigit 700 transmission lines ang sinira ng bagyong Rolly sa nasabing mga rehiyon.

ALBAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with