^

11,297 na ang health workers na nagka-COVID-19

Danilo Garcia (Pang-masa) - November 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 11,297 ang bilang ng mga health workers na nahawa rin ng COVID-19, simula noong buwan ng Marso.

Sa naturang bilang, ang 268 pa sa kanila ang kasalukuyan na aktibong kaso na nilalapatan ng lunas o nagpapalipas ng isolation period.

Sa bilang na ito, 129 ang mild cases, 105 ang asymptomatic, 23 ang severe, at 11 ang kritikal.

Nabatid naman na may 10,958 na ang nakarekober sa sakit habang 71 ang tuluyang nasawi sa kanilang hanay.

Habang lumuwag na ngayon ang load ng mga medical facility sa Cebu dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19, iniulat naman ng DOH-Davao ang pagiging ‘overburdened’ ng mga pagamutan dahil sa pagtaas ng kaso ng di­nadapuan ng virus sa Davao Region.

Sinabi ni Dr. Cleo Fe Tabada, ng DOH-Davao, na dahil sa dami ng pas­yente at takot sa sariling kalusugan, marami umano sa mga health workers ang nagbakasyon muna habang ang ilan ay nagbitiw na sa trabaho dahilan para lalong lumiit ang bilang nila.

Kaya’t nangangamba si Tabada na maaaring lumala pa ang sitwasyon sa Davao kung hindi agad maaagapan at magawan ng paraan para masuportahan ang healthcare system sa rehiyon.

HEALTH WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with