_pang-masa
^
NTC inatasan ang Telco na ayusin agad ang nasira ni âRollyâ
Nakasaad sa memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, sa mga Telco ang pangangailangan para sa mabilis na panunumbalik ng serbisyo ng telekomunikasyon sa mga lugar na lubhang tinamaan ng super typhoon.

NTC inatasan ang Telco na ayusin agad ang nasira ni ‘Rolly’

Angie dela Cruz (Pang-masa) - November 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos manalasa ang bagyong ‘Rolly’ sa malaking bahagi ng Luzon at parte ng Visayas ay inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng Public Telecommunications entities na madaliin ang pagkumpuni ng mga nasirang linya ng telekomunikasyon sa mga apektadong lugar.

Nakasaad sa memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, sa mga Telco ang pangangailangan para sa mabilis na panunumbalik ng serbisyo ng telekomunikasyon sa mga lugar na lubhang tinamaan ng super typhoon.

Mahalaga aniya na agad na maibalik ang serbisyo ng mga telco lalo’t sa panahong ito kung saan mas kailangan ang mabilis na komunikasyon, panunumbalik ng komersiyo at mga negosyo, distance learning at higit sa lahat para makatugon ang gobyerno sa rescue at recovery operations.

Nabatid na pahirapan sa kasalukuyan ang pagpapadala at pagtanggap ng text messages, phone calls at mobile data sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa ‘multiple fiber cuts’ sanhi ng malalakas na hangin na dala ng Bagyong Rolly.

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with