^

Police Metro

Naka-quarantine sa mga tents, inilikas

Malou Escudero - Pang-masa
Naka-quarantine sa mga tents, inilikas
Ayon kay Health Spokesman Usec. Maria Rosario Vergeire, bukod sa paglilikas ng mga naka-quarantine dahil sa COVID-19, naglunsad na rin sila ng massive information sa mga pasilidad at komunidad.
STAR/Michael Varcas , file

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na nagsagawa na sila ng paglilikas sa mga taong nasa mga quarantine tents patungo sa mas ligtas na lugar upang matiyak ang kanilang kaligtasan dahil sa inaasahang paghagupit ng pinangangambahang supertyphoon “Rolly”.

Ayon kay Health Spokesman Usec. Maria Rosario Vergeire, bukod sa paglilikas ng mga naka-quarantine dahil sa COVID-19, naglunsad na rin sila ng massive information sa mga pasilidad at komunidad.

“Actually ngayon po we are having this massive information drive para po sa ating mga facilities, para po sa ating mga communities. Unang-una sa ating mga facilities, nagkaroon na po ng mga pagta-transfer ng ating mga naka-quarantine sa mga iba’t ibang lugar na nasa tent lang at itina-transfer natin sa mas secured na place,” ani Vergeire sa La­ging Handa public briefing.

Tinanggal na rin aniya ang mga kagamitan sa mga pasilidad na medyo hindi secure at inilipat sa mga ospital.

Idinagdag ni Vergerie na inatasan na rin ang mga local government units na maghanda ng mga eva­cuation sites kung saan masusunod ang mga ipina­tutupad na protocols tungkol sa minimum public health standards upang matiyak na hindi tataas ang bilang ng mga COVID-19 patients.

vuukle comment

QUARANTINE

RESCUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with