Walang flu vaccine shortage sa bansa - FDA
MANILA, Philippines — Inihayag ni Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo na walang kakulangan ng flu vaccine sa bansa.
Ito ay matapos humingi ng tulong si Quezon Governor Danilo Suarez sa Department of Health (DOH) at iba pang concerned agencies para makabili ng flu vaccines ngunit nahihirapan silang bumili.
Sa isang online forum kahapon ay sinabi ni Domingo na nag-check sila sa mga supplier ng flu vaccine at hindi naman umano nagdeklara ang mga ito ng shortage ng suplay, subalit tumaas ang demand nito dahil sa pananalasa ng COVID-19.
Kaya’t maaaring tulungan ng regional office ng DOH ang Quezon provincial government sa pagbili ng flu vaccines.
Hindi naman naniniwala si Domingo na ang pagtutok ng mga pharmaceutical firms sa pagbuo ng bakuna laban sa COVID-19 ay nakakaapekto sa suplay ng flu vaccines.
- Latest