^

Police Metro

Mga billboard sa edsa at iba pang lugar binaklas dahil kay ‘Rolly’

Angie dela Cruz - Pang-masa
Mga billboard sa edsa at iba pang lugar binaklas dahil kay �Rolly�
Inumpisahan kahapon ng mga manggagawa ng outdoor media na baklasin ang higanteng tarpolina na nasa kahabaan ng Katipunan Avenue, Quezon City upang makaiwas sa posibleng aksidente sa pagdating ng malakas na bagyong Rolly.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Bunsod nang pagbabanta ng malakas na ha­ngin dala ng bagyong Rolly ay sinimulan na kahapon ang pagbaklas ng mga naglalakihang billboard ads sa kahabaan ng Edsa.

Mula sa bahagi ng Balintawak, Edsa North Avenue hanggang sa Cubao, Ortigas at maging sa C-5 kanto ng Katipunan Avenue ay binaklas na rin batay sa panuntunang ipinatutupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na kapag may babala ng pagtama ng bagyo ay dapat may pag-iingat sa posibleng pagbagsak nito dahil sa bugso ng malakas na hangin.

Sa latest bulletin ng PAGASA ay lalo pang lumakas ang bagyong Rolly na ang puntirya ay Central Luzon at isa sa posibleng makaranas ng epekto nito ay ang Metro Manila.

vuukle comment

BAGYO

BILLBOARD

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with