^
4 Chinese, 2 Pinoy na kidnaper, arestado
Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Jiang Zhi Chao, Han Yong, Shi Qi, at Zhao Jian Wei na pawang Chinese nationals at dalawang Pinoy na sina Christopher Belarmino y Catre at Darnel Volante y Ramos at kinasuhan ng kidnapping with ransom at serious illegal detention.
STAR/KJ Rosales, file

4 Chinese, 2 Pinoy na kidnaper, arestado

Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 31, 2020 - 12:00am

Chinese victim nailigtas…

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na Chinese nationals at 2 Pinoy sa isang rescue operation sa Las Piñas City na kung saan ay aksidenteng nasagip ang isang Chinese na kinidnap.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Jiang Zhi Chao, Han Yong, Shi Qi, at  Zhao Jian Wei na pawang Chinese nationals at dalawang Pinoy na sina Christopher Belarmino y Catre at Darnel Volante y Ramos at kinasuhan ng kidnapping with ransom at serious illegal detention.

Batay sa reklamong inihain ng biktima na itinago ang pangalan para sa kaniyang seguridad na noong Oktubre 26, 2020 nang samahan ng mga ahente ng NBI-Counter Terrorism Division ang complainant na Chinese national upang tuntunin at tukuyin ang lugar na pinagdalhan sa kaniya sa No.51 Aurora Pijuan St., Brgy. Talon Dos, Las Piñas City at kilalanin ang mga suspek.

Sinalakay kinabukasan ang bahay nang may lumabas na isa sa mga suspek na nagtapon ng basura at dito ay naaresto sila na kung saan ay aksidenteng may bagong kidnap victim ang mga suspek na isa ring Chinese kaya’t nailigtas ito.

Nasamsam ang isang Taurus 40 kalibreng baril na may 11 bala; isang Glock 22 na may 10 bala sa magazine; pares ng posas at iba’t ibang identification cards.

CHINESE KIDNAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with