507 regular jeepney at 19 modern jeepneys, aarangkada na
Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw ay papasada na ang 507 unit ng regular traditio­nal jeepney at 19 na mo­dern jeepneys sa limang bagong ruta na binuksan ng ahensiya sa Quezon City, Marikina, Maynila at Pasay City.

Sa ipinalabas na memorandum circular ng LTFRB, maaari nang pumasada ang mga roadworthy na jeepneys na mayroong prangkisa sa mga  ruta sa Parang-Recto o mula Marikina hanggang Recto sa Maynila, Parang-Stop and Shop via Aurora Blvd, Recto-SSS Village via Aurora Blvd. at España Blvd. at Libertad-Pinagbarilan sa Pasay City.

Sa may SM Fairview naman hanggang Buendia Avenue papasada ang mga modern Jeepneys na bukod sa air-conditioned at Euro - compliant ang makina ay mayroon ding nakakabit na CCTV, Dashcams,  WIFI, Speed limiters at Automatic fare Collection System.

Muling ipinaalala ng LTFRB ang istriktong pagpapatupad ng 7 commandments sa public transport tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, pagre­rekord ng impormasyon ng mga pasahero na bahagi ng Health protocol  sa loob ng mga pampasaherong sasakyan.

Nilinaw din ng LTFRB na walang pagtataas ng singil sa pasahe sa mga  modern jeepneys at wala ding taas pasahe sa mga ruta ng traditional jeepneys.

JEEPNEY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with