3 bangkay, natagpuan sa bangin ng Nueva Vizcaya — Baguio
Victor Martin (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong hindi pa nakikilalang mga bangkay ang natagpuan sa isang bangin ng Nueva Vizcaya-Baguio road sa nasasakupan ng Barangay Pangawan, Kayapa, Nueva Vizcaya, kamakalawa.

Batay sa ulat ng Kayapa PNP, alas-4:30 ng hapon unang nadiskubre ng dalawang estudyante na  sina Reniel Lucas, 13, at Dominic Reymundo, 19, ang bangkay ng isang babae at 2 lalake sa bangin na nasa kanang bahagi ng kalsada patungo sa Bocod, Benguet.

Inilarawan ang babaeng biktima na nakasuot ng t-shirt na may denim at asul na short, ang lalake ay nakasuot ng puting t-shirt at green short habang ang isa pa ay nakasuot naman ng asul na t-shirt at itim na short.

Pinaniniwalaan ng pulisya na pinatay sa ibang lugar ang mga biktima bago ito itinapon sa bangin upang iligaw ang pulisya sa pag-iimbestiga.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with