Pulis opisyal ginahasa ang dalaga na lumabag sa curfew
Doris Franche (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inireklamo ng isang dalaga ang isang opisyal ng pulisya na humalay sa kanya sa loob ng barracks nito matapos na arestuhin sa paglabag sa curfew naganap sa San Miguel, Bulacan.

Ang suspek na ina­resto ng kanyang mga kabaro ay kinilalang si PLt. Jimmy Fegcan, 41, deputy chief of police for operation ng natu­rang istasyon  at residente ng Brgy. Batia, Bocaue. Habang itinago naman sa pangalang Lyka ang biktima.

Sa report ni San Miguel chief of police PLt.Col Voltaire Rivera, bago naganap ang insidente bandang alas-3:00 ng madaling araw sa barracks ng  kanilang istasyon ay isa si Lyka na inaresto ng mga otoridad dahil sa curfew sa ilalim ng Violation of Provincial Ordinance 87-2020 at dinala sa holding area ng istasyon.

Dito ay tinawag ng suspek ang biktima sa kanyang barracks para doon ito makapagpa­hinga.

Habang natutulog ang biktima ay naramdaman niyang may humihimas sa kanyang dibdib kaya siya nagising at nakita ang suspek na nakahubad.

Pinuwersa umano siyang hubaran ng suspek hanggang sa patungan at itutok ang ari nito sa  kanyang pagkababae.

Matapos ang insidente ay pinagdamit ng suspek ang biktima at pinauwi sa kanilang bahay na kung saan ay agad itong nagsumbong sa kaanak na nag-report sa pulisya kaya’t inaresto ang suspek na itinanggi ang akusasyon.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with