DPWH director nagpaagaw ng P2 milyong cash sa B-Day party, kinasuhan sa Ombudsman
Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasong kriminal at administratibo ang isinampa sa Office of the Ombudsman laban kay DPWH Region 1 Director Ronnel Tan dahil sa kontrobersiyal na pagpapaagaw ng P2 milyong cash sa kanyang birthday party na ginanap sa lalawigan ng Quezon.

Sa complaint affidavit ni Konsehal Arkie Manuel Yulde ng bayan ng Lopez, Quezon na mistula umanong ginawang confetti ni Director Tan ang mahigit P2 milyong cash na pinaghahagis at ipina­migay sa mga dumalo sa kanyang kaarawan noong December 2019.

Kabilang sa mga nakasaksing bisita sa magarbong birthday party ni Tan ay ang mga alkalde ng Quezon province at iba pang opisyales ng lalawigan at barangay officials.

Nakasaad sa reklamo ni Yulde na regalo umano ni Director Tan sa mga opisyales na dumalo sa kanyang party ang cash na pinamudmod nito.

Nireklamo din ni Yulde ang umano’y sangkaterbang mga ari-arian ni Tan kabilang na ang 600-square meter na mansyon sa Loyola Grand Villas sa QC, mga mamahaling sasakyan at iba pa.

Nataon ang reklamo laban kay Tan, kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na im­bestigahan ang mga opis­yales ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan partikular na ang DPWH na umano’y talamak ang kurapsyon.

Hiniling din ni Yulde kay Pangulong Duterte na sibakin na sa pwesto si Tan at isailalim sa lifestyle check.

Nabatid na si Tan ay asawa ni Quezon Rep. Helen Tan ay itinalaga sa puwesto ni dating Pa­ngulong Noynoy Aquino.

DPWH OMBUDSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with