DDR bill ng Kamara hiniling na agad ipasa sa Senado
Itinuturing ang HB 5989 na isang kumprehensibong pagtugon ng bansa laban sa mga kalamidad, kasama na ang pandemya na maraming beses ng inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.
STAR/File
DDR bill ng Kamara hiniling na agad ipasa sa Senado
Joy Cantos (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan kamakailan si Speaker Lord Allan Jay Velasco sa senado na ipasa sa lalong madaling panahon ang Departmet of Disaster Resilience (DDR) o House Bill 5989 na akda ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Ways and Means Committee sa gitna na rin ng pagtama ng mga kalamidad sa bansa na nagdulot ng matinding delubyo sa malaking bahagi ng Luzon habang patuloy ring dumaranas ng COVID-19 pandemic ang bansa.

Binalangkas ni Salceda at sinuportahan ng maraming mambabatas na umani ng 241 boto nang ipasa ng Kamara noong Setyembre at sa kasalukuyan ay naghihintay na lamang ng aksyon ng Senado.

Itinuturing ang HB 5989 na isang kumprehensibong pagtugon ng bansa laban sa mga kalamidad, kasama na ang pandemya na maraming beses ng inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilalayon ng DDR Bill na maging pangunahing ahensya ng pamahalaan para manguna, mangangasiwa at mag-uugnay-ugnay sa lahat ng hakbang at programa ng gobyerno para maiwasan, mapaghandaan at mapagaan ang dagok na dulot ng pananalanta ng mga kalamidad, makabangon sa mga ito at patuloy na isulong ang progreso ng bayan at lipunan.

DDR KAMARA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with