7 pusher tiklo sa P1.3 milyong shabu
Bandang, alas-8:20 ng Miyerkules ng gabi nang magkasa ang mga otoridad ng buy-bust sa tapat ng isang bahay sa No. 10 Ninoy Aquino Avenue sa Brgy. San Dionisio, Parañaque City at dito ay naaresto ang mga suspek na sina Dima Sayaat, alyas Penda, 28; Sabrin Polindao, 32; at si Richard Buenvenida, 39 at nakumpiska ang 11 malalaking plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 170 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P1,156,000.
STAR/Miguel De Guzman, file
7 pusher tiklo sa P1.3 milyong shabu
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong drug pusher ang naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Paranaque City at Taguig City kamakalawa.

Bandang, alas-8:20 ng Miyerkules ng gabi nang magkasa ang mga otoridad ng buy-bust sa tapat ng isang bahay sa No. 10 Ninoy Aquino Avenue sa Brgy. San Dionisio, Parañaque City at dito ay naaresto ang mga suspek na sina Dima Sayaat, alyas Penda, 28; Sabrin Polindao, 32; at si Richard Buenvenida, 39 at nakumpiska ang 11 malalaking plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 170 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P1,156,000.

Una rito ay alas-7:43 ng gabi nang masakote sa sa may No. 442 PNR Site, FTI Compound, Brgy. Western Bicutan,Taguig City ang mga drug suspek na sina Armando Bagain, 37; Kevin Lunzaga, 28; Vincent Zabala, 28 at Gilbert Esquivil, 37 na kung saan nasamsam ang 6 medium size plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 27 gramo ng shabu na may halagang P183,000 ang nakumpiska sa kanila maging ang isang P500 marked money na ginamit sa operasyon.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with