Price cap sa COVID-19 test gagawing abot-kaya
Price cap sa COVID-19 test gagawing abot-kaya
Malou Escudero (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential Spokeperson Harry Roque na may malaking pag-asa na magkaroon ng price cap sa COVID-19 test.

Anya, natapos na ng technical working group ng Department of Health ang rekomendasyon at nasa kamay na ng Pangulo ang paglagda sa kautusan.

“From all indications, mukha naman pong magkakaroon ng price cap,” ani Roque.

Agad din nilinaw ni Roque na ayaw niyang pangunahan kung ano ang magiging desisyon ng Pangulo.

Nanindigan si Roque na dapat mas maging mababa ang singil sa COVID-test na naibibigay ng Project ARK sa halagang P1,500.

“Eh kasi po iyong iba naman ay napakataas talaga ng sinisingil ‘no. Eh alam naman natin na pupuwedeng mas mura iyang testing na iyan dahil sa Project ARK nga, as low as 1,500 ay kaya nilang magbigay ng testing up to 2,000 ‘no.

“So iyan lang po, para maging mas affordable ang testing mga kababayan,” wika ni Roque.

COVID-19 TESTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with