Duterte, idineklara ang Setyembre 8 bilang National Green Building Day
Malou Escudero (Pang-masa) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para paigtingin pa ang pagtataguyod sa energy-efficient at green buil­dings sa buong bansa ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang September 8 kada taon bilang “National Green Building Day.”

Nakasaad sa Proclamation Number 1030 na dapat nai-promote ang sustainable development sa construction sector.

Pinasisiguro rin ang pagsusulong ng mga inisyatibo sa maayos at tamang paggamit sa resources, sa tubig, waste management, at integration ng eco-friendly processes and systems.

Inaatasan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na makipag-ugnayan sa iba’t ibang non-government organizations at civil society group na itaguyod ang National Green Building Day.

Inaatasan naman ang iba pang tanggapan ng pamahalaan na suportahan ang DPWH.

Nilagdaan ng Pa­ngulo ang proklamasyon noong October 21 pero ngayon lamang inilabas sa publiko.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with