5 ahensiya na sangkot sa korapsyon iimbestigahan ng DOJ
Tinukoy ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na lumustay umano ng multi-bilyong halaga ng kontribusyon ng mga miyembro;Department of Public Works and Highways (DPWH) na sinita ng Commission on Audit (COA) sa multi-bilyong pondo na napunta umano sa korapsyon dahil sa hindi naisagawang mga proyekto noong 2019;Bureau of Customs (BOC);Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Land Registration Authority (LRA).
5 ahensiya na sangkot sa korapsyon iimbestigahan ng DOJ
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang imbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang limang ahensiya ng pamahalaan na sangkot sa korapsiyon.

Tinukoy ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na lumustay umano ng multi-bilyong halaga ng kontribusyon ng mga miyembro;Department of Public Works and Highways (DPWH) na sinita ng Commission on Audit (COA) sa multi-bilyong pondo na napunta umano sa korapsyon dahil sa hindi naisagawang mga proyekto noong 2019;Bureau of Customs (BOC);Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Land Registration Authority (LRA).

Una nang bumuno ang DOJ ng Task Force na tumututok sa imbestigasyon sa PhilHealth habang nakatakdang bumuo ng isa pang task force para sa nabanggit na mga ahensya.

Naniniwala si Guevarra na sa loob ng termino ni Pangulong Duterte ay may maipakikita nang resulta ang DOJ sa pagsugpo sa korapsyon na isa niyang pangako noong halalan.

Hindi rin lusot ang mga mambabatas sa kanilang imbestigasyon makaraan ang akusasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na may mga congressman na nakiki­pagsabwatan sa DPWH para sa maanomalyang proyekto maging ang iba pang sangay ng pamahalaan.

Magiging basehan rin ng task force ang mga ulat ng COA, ulat ng media, pagdinig sa Kongreso at Senado at maging mga reklamo ng mga concerned citizen.

DOJ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with