Pag-iisip ng COVID-19 survivor uurong ng 10 taon
Sa ginawang pag-aaral ng Imperial College London, sinabi ni Dr. Adam Hampshire na isinailalim nila sa pag-aaral ang nasa 84,000 tao kung saan nadiskubre nila na sa mga malulubhang kaso, nagreresulta ito sa ‘cognitive deficiency’ sa loob ng ilang buwan.
STAR/Michael Varcas, file
Pag-iisip ng COVID-19 survivor uurong ng 10 taon
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Batay sa resulta ng pag-aaral ng mga eksperto sa United Kingdom ukol sa epekto sa ‘brain function’ ng coronavirus ay may posibilidad na uurong ng hanggang 10 taon ang pag-iisip ng isang COVID-19 survivor.

Sa ginawang pag-aaral ng Imperial College London, sinabi ni Dr. Adam Hampshire na isinailalim nila sa pag-aaral ang nasa 84,000 tao kung saan nadiskubre nila na sa mga malulubhang kaso, nagreresulta ito sa ‘cognitive deficiency’ sa loob ng ilang buwan.

“People who had recovered, including those no longer reporting symptoms, exhibited significant cognitive deficits,” ayon sa naturang ulat.

Isinailalim sa tinatawag na ‘Great British Intelligence Test’ ang mga partisipante tulad ng mga gawain ng pag-alala sa mga salita o pagsagot sa mga ‘puzzle’.

Dito ay lumabas na malaking bilang ng mga taong naospital dahil sa COVID-19 ang may ‘cognitive deficits’ kung saan ang pinakamalala ay katumbas ng 10 taong pagbaba ng pag-iisip.

Ang naturang pag-aaral ay hindi pa naisasailalim sa ‘peer review’ ng iba pang mga siyentista na posible rin umano na hindi ito maaasahan dahil sa walang ginawang pag-aaral bago tamaan ng COVID-19 ang mga pasyente para magkaroon ng basehan ang mga datos.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with