Philippine envoy to Brazil,kasuhan
MANILA, Philippines — Hiniling ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kasuhan si Ambassador to Brazil Marichu Mauro na nagmaltrato sa kanyang kasambahay.
Sinabi ni Zubiri, dapat na magsagawa ng malalim na imbestigasyon ang DFA laban kay Mauro sa paulit- ulit na pananakit na ginawa sa kanyang 51-anyos na kasambahay na isang Pinay.
Makikita sa video ang walang pakundangang pananakit ni Mauro sa kanyang kasambahay na kailangan lumantad para maging malinaw ang insidente.
Samantala, sinibak na si Mauro sa kanyang posisyon at pinababalik na sa Pilipinas.
- Latest